Ang Aking bayani Ang Ating Mga Sundalo
Ang mga sundalo ay isang bayani para sa akin bakit dahil sila ang nagbubuwis ng buhay para sa ating bayan at para manatili nsa rin ang katahimikan at ang kapayapaan sa ating bayan.Sakripisyo ang ginagawa ng ating mga sundalo para lamang makapaglingkod sa bayan at mailagay lang ang ating bayan sa kaligtasan o manatiling ligtas ang ating bayan hindi biro ang maging isang sundalo dahil maraming pagdadaanan o maraming pagsubok bago maging isang ganap na sundalo.
Sa bawat buhay na nawawala ito ay inililibing sa "LIBINGAN NG MGA BAYANI".Bakit dahil sila ay isang bayani na itinaya ang kanilang buhay para sa bayan kahit di ko man pangarap ang maging isang sundalo naiisip ko rin ang kanilang paghihirap at sa tuwing sasabak sa mga rebelde na manghahangas na kalabanin ang mga sundalo.
Kaya gayon na lamang ang aking pag-hanga sa mga sundalo dahil kung wala ang mga sundalo tiyak na hindi magiging tahimik at hindi rin magiging mapayapa ang ating bayan.
No comments:
Post a Comment